International Kiteboarding Competition Inilunsad sa Camatines Norte
Inilunsad ng Lokal na Pamahalaan ng Daet, Camarines Norte ang kauna-unahang International Kiteboarding Competition sa Bagasbas, Beach ngayong Pebrero sa taong ito.
Ang Bagasbas Beach ay isa sa sampung pinakamagandang surfing destination sa Pilipinas.
Matatandaang nadiskubre ang lugar na kite surfing destination nang maitampok ito sa isang website noong 2007.
Maliban sa kiteboarding, itatampok rin ang isang bikini open and skim boarding competition.
Ang nasabing kompetisyon ay suportado rin ng ABS-CBN Regional Network Group, Mike-Kites Surfing School, Camarines Norte Pineapple Festival Development Foundation Incorporated at ang Department of Tourism, Region V.
Kay Jose A. Edma Jr.
----------
Proyekto Para Pag-isahin ang Mga Kabataan Ginagawa ng DILG, NGO sa Bicol
Patuloy na pinag-iisa ng Department of the Interior and Local Government ang mga ahensya ng pamahalaan, LGU at NGO sa rehiyon sa pagsulong nito ng programa para sa proteksyon ng mga kabataan.
Ayon kay DILG Region 5 Action Officer Nilda Antivola, pinangangasiwaan nila ang programang Local Council for the Protection of Children na isang organisasyong rumeresponde sa apat na pangunahing karapatan ng kabataan.
Ang DILG ay naatasang magbigay instruksyon sa mga opisyal ng pamahalaang panlalawigan at munisipal sa kani-kanilang mga lokal na council.
Dagdag pa ni Antivola, katatapos lang ng kanilang programang pagbibigay instruksyon sa mga lalawigan ng Albay, Sorsogon at Camarines Norte at isusunod naman ang mga nalalabing lalawigan sa rehiyon ngayong Pebrero.
Kay Irvin Jacob, AB Journalism III-B
----------
Paglilipat ng opisina ng LTFRB Regional Office isasagawa
Pansamantalang ililipat ang tanggapan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) Regional Office sa susunod na buwan sa dating gusali ng Genecom sa Rawis, Legazpi Citydahil sa gagawing rehabilitasyon sa kasalukuyan nitong opisina.
Ang naturang rehabilitasyon ayon kay G. Jose C. Descalzo Jr., Administrative Officer III ng LTFRB Region V ay inaasahang tatagal ng anim na buwan.
Ayon pa sa kanya, inaasahang sa Lunes ay masisimulan na nila ang clean-up operation bilang preparasyon sa pagbabakante sa kanilang opisina.
Samantala, sinabi rin ni G. Descalzo na ang nasabing paghahanda sa paglilipat ay hindi makakaapekto sa mga transaksyon ng kanilang tanggapan.
Kay Socelle N. Fuentes
----------
Tricycle Kinumpiska ng Sheriff
Sa siyudad ng Naga ay isang tricycle ang kihuha nina Sheriff Senen Secillana at Arturo Corbe ng DOLE-Bicol nung buwan ng Enero na pagmamay-ari ng isang local-based water station.
Ito ay dahil hindi binayaran ng employer ang P9,000.00 ang tatlo niyang manggagawa mahigit dalawang taon na.
Binaliwala ng employer ang utos ng DOLE na bayaran ang mga manggagawa na dapat kanyang sinunod.
Ayon sa Article 128-129 ng Labor Code. Ang DOLE ay may kapangyarihan ipasunod ang kanilang “utos” sa pamamagitan ng pagbenta ng gamit ng may-ari at tingnan ang mga bank accounts nito. Kung hindi masolusyonan, ay may kapangyarihan silang gamitin lahat ng posibleng paraan o solusyon sa pinakamadaling panahon para mabayaran ang mga nagrereklamong mga manggagawa.
Ang DOLE-Bicol ay may inischedule na subastahan para sa nasabing tricycle.
Kay Theza N. Ramos, AB Journalism III-A
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment